Bakas ng Kahapon (Part 1)

Image

(To my readers, you can translate this page, but I am so sorry that all texts can’t go the way I addressed them. I will write for you the next time in English so we all can be happy!)

Matagal ko na ring nais sumulat gamit ang wikang Filipino…matagal-tagal din akong nag-attempt na sumulat na lamang gamit ito upang mas maraming kababayan ko ang makaintindi ng lubusan. Noong nagdaang gabi lamang, tinanong ko ang aking sarili kung bakit nga hindi ko subukan nang maipahayag ko ang aking mga saloobin gamit ang aming sariling wika.

Lubos kong ikinagagalak yaong mga taong marurunong kumanta at nabibigyan ng pagkakataong makapag-record ng kanilang sariling mga kanta, orihinal mang komposisyon o cover lang. Para bang mga kerubim na umaawit sa langit ang kanilang mga tinig at kay sarap pakinggan? Ako, rin. Minsan din akong nangarap na maging isang tanyag na mang-aawit. Madalas akong kumakanta kahit saan o kahit pa man sa isipan ko lamang. May mga pagkakataon din na matagal bago ako dalawin ng antok dahil ba sa dami ng bumabagabag sa isipan ko at umaawit na rin ng kantang napakinggan ko ng sandali lamang. Marahil, LSS ang tawag sa ganoong sitwasyon or Last Song Syndrome. 

Isa akong taong kinalakhan ang musika. Musika ang nagbigay-buhay sa makulay kong buhay. Bata pa lamang ako ay nasa puso ko na talaga ang pagkanta. Nagsimula siguro ito n’ong matutunan ko ang iilang salita na kayang sambitin ng mga bata, “Mama”, “Papa” “Meeeh(Milk)”, atbp. Lumipas ang ilang taon, natutunan kong ihele ang sarili ko gamit ang mga kantang bayan na naririnig ko sa mga nakatatanda.

Pagtungtong ko ng paaralan, mas lumawak ang nalalaman ko sa Musika. Marami akong naging kaibigan dahil sa larangang ito. Isa na ang children’s choir, ang pinakaunang pangkat na nasalihan ko noon sa Elementarya. Aaminin ko, mahilig na akong kumanta noon pero pag-apak ko sa bahay ng aming trainor, napayuko ako sa kahihiyan dahil hindi pa ako ganoon kahusay. “Huwag dapat sintunado,” ‘ika nga nila. Nasa ikaapat na baitang ako noon taong 2003, at tuwing Sabado ay may pagsasanay kami sa bahay ng yumaong si Gng. Esther Castro. 

“If there’s one more gift I’d ask of you, Lord, it would be peace here on earth. As gentle as your children’s laughter all around, all around.” Isa lamang ‘yang Mass song na One More Gift na una kong natutunan kay Gng. Castro. Marami-rami pang mga awit kaming natutunan sa kanya, lalo na ang mga kantang pamasko. Nagkataon kasing Disyembre noon at sa tulong na rin ni Sister Ruiz, ang aming director, nasubukan naming pumasyal sa buong bayan habang nangangaroling. Hindi lamang ordinaryong carolling ito sapagkat tuwing Sabado ang pagsasanay namin at mayroon pa kaming uniporme na ipinagawa pa. Kulay pula na bestidang lampas tuhod ang para sa mga babae, at pulang suit naman sa mga lalaki. Lahat kami ay mayroon ding Santa’s hat. Napakaganda ng aming mga kasuotan at hanggang ngayon, taong 2013, nasa akin pa ‘yong damit kong ‘yon. Memorable, eh! Pagkatapos ng klase sa hapon, may sumusundo sa aming dyip. Mula sa eskwelahan, habang dala-dala ang mga kasuotang gagamitin natin, dumidiretso kami sa bahay ni Gng. Casto upang doon na magpalit at mag-ayos. Kay sarap magbalik-tanaw! Naaalala ko pa ang mg tawanan at asaran namin. Doon din ako nakakilala ng mga kaibigan kong mas nakatatanda na tinawag kong “Ate” o “Kuya.” Pagkatapos mag-ayos, handa na kami. Dala ang dalawang organ, lulan ng dalawang dyip at sasakyan nila Sister Ruiz at ni Gng. Castro, papunta na kami sa tinawag naming First House.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kami namangha sa unang bahay na dinaluhan namin. Napakalaki at napakaluwang ng bahay na iyon. Maraming pasikot-sikot at napakasarap ng mga inihain nilang pagkain sa amin. Pero syempre, bago kami kumain, awit muna ng mga kantang pamaskong handog namin sa may bahay. Pagkatapos noon, iniabot na ang sobre kay Sister Ruiz.

“Sa may bahay, ang aming bati “Merry Christmas ng maluwalhati!” Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari, araw-araw ay magiging pasko lagi. Ang sanhi po ng pagparito ay BABATI NG MALIGAYANG PASKO!” Naiiba rin ang liriko ng aming mga kanta, hindi ordinaryo. May mga parte ng kantang pinapalitan sa bawat ensayo namin.

Lumipas ang ilang kabahayan at matapos ang ilang araw, narating din namin ang St. Lucy’s Eye Center sa may Dagupan. Iyon na siguro ang pinakaengrandeng carolling na naranasan ng children’s choir. Naroon lahat ng mga doktor, pasyente at empleyado na tutok na tutok sa amin habang masiyang tumutugtog ang dalawa naming pianista habang kaming mga choir members ay ramdam na ramdam ang kantang pamaskong namumutawi sa aming mga labi. Si Gng. Castro ay taas-noo habang ikinukumpas ang kanilang kanang kamay sa bawat pagbaba at pagtaas ng timbre ng musika.

(“Magpapatuloy….”)

Advertisements

The Grandest Piano

The Grandest Piano

“Things taught me how to deal with life, wisely. But MUSIC sank into my deepest soul.” I first learned humming from my Mama and Papa. To my lola Carling, who delved with me through the thrones of harder times, thank you. If it’s not because of you, I won’t be playing the piano now. And without it, I can’t imagine a sweet soul with a dead rhythm.

by: Samantha C. De Guzman

(NO PLAGIARISM)

Terrified

http://www.youtube.com/watch?v=gPhOET2v8YM

“And I’m in love…and I’m terrified…”

I got LSS with this song when I was browsing KC’s files in her flash drive. Kareen Claire Jardinez is my dear friend in college, taking up Bachelor of Arts in Communication, who happened to be the official photographer on my debut night. Her boyfriend, Jeremias Aquino, is also a Communication Arts student. It may be too much to ponder but I see compatibility in them, no matter how short the span apprehension I had with them.

Click…click…click. I was at the edge of my emotions when I the icon of this video so I invoke their right to privacy. Anyway, I texted KC right away to ask permission. Because it made a hit in my ego, I adjured her to post this here on my blog site.

After a few minutes of conversation with her, I took the brainchild to post this online today, September 9, 2012, for their 2nd year anniversary.

As promised, I did branch off their shown love to each other starting with Youtube, then I shared it on Facebook, Twitter, Tumblr, and here’s the Finale on Wordpress.

They are the cutest couple I’ve seen and swear, kinilig ako sa kanilang dalawa! (That’s why I posted it here – it’s SAMthing extraordinary. And I only choose those beyond perfection!)

To Kareen Claire Jardinez and Jeremias Aquino, happy 2nd year anniversary to the both of you! Embrace the beauty of LOVE. Keep the strong bond going. Spell love and commitment, unconditionally. My prayers and thoughts are with you!

P.S. I fell in love with this song because of that couple. (Thought they were the real ones who sang it.)

Video Credits: Kareen Claire Jardinez

by: Samantha C. De Guzman

(NO PLAGIARISM)

“And I’m in love…and I’m terrified…”

I got LSS with this song when I was browsing KC’s files in her flash drive. Kareen Claire Jardinez is my dear friend in college, taking up Bachelor of Arts in Communication, who happened to be the official photographer on my debut night. Her boyfriend, Jeremias Aquino, is also a Communication Arts student. It may be too much to ponder but I see compatibility in them, no matter how short the span of apprehension I had with them.

Click…click…click. I was at the edge of my emotions when I the icon of this video so I invoke their right to privacy. Anyway, I texted KC right away to ask permission. Because it made a hit in my ego, I adjured her to post this here on my blog site.

After a few minutes of conversation with her, I took the brainchild to post this online today, September 9, 2012, for their 2nd year anniversary.

As promised, I did branch off their shown love to each other starting with Youtube, then I shared it on Facebook, Twitter, Tumblr, and here’s the Finale on WordPress.

They are the cutest couple I’ve seen and swear, kinilig ako sa kanilang dalawa! (That’s why I posted it here – it’s SAMthing extraordinary. And I only choose those beyond perfection!)

To Kareen Claire Jardinez and Jeremias Aquino, happy 2nd year anniversary to the both of you! Embrace the beauty of LOVE. Keep the strong bond going. Spell love and commitment, unconditionally. My prayers and thoughts are with you!

P.S. I fell in love with this song because of that couple. (Thought they were the real ones who sang it.)

Video Credits: Kareen Claire Jardinez

by: Samantha C. De Guzman

(NO PLAGIARISM)